Sa pag oobserba ko sa lahat ng mga lumilipad na stock nakikita ko ang mga lumilipad, nakikita ko rin ang mga bumabagsak! Bakit nga ba ganito ang nagiging trend ng mga stocks???
Isang gabi noong ako ay nagsususnog pa!
(Sometime in APRIL-MAY 2018)
Nagtanong ako sa sarili ko! Napaisip ako ano nga ba nagiging basehan ng mga tao at ng market sentiments para sa mga stocks! Bakit pag ito ay nagumpisang lumipad, Sya ay lumilipad, Bakit sya ay pag nag-umpisa bumagsak talagang ito ay bumabagsak.
Sa kadahilanan na gusto ko makakuha ng matinong sagot para sa sarili ko, binuklat ko na lahat ang pwede ko buklatin, Nagtanong na ako kay "TROPANG GOOGLE" ng lahat na pwede ko tanungin, pati si "KUYA YOUTUBE" nakukulitan na sa akin. lahat ng klase ng indicator pinag-aralan ko na at wala pa rin makasagot sa akin. Sa kadahilanang gusto ko nga mabago ang istilo ng trading ko, at ayaw ko na lagi ako kinakabahan patuloy akong nagpipilit matuto, para sa karagdagan ng itinuturo sa akin ni BOSS at ni BIG BOSS!
Dahil nga di pa sapat ang aking kaalaman patuloy ako nagtututo para sa sarili ko, sa pamilya ko, at ganun din para sa inyo! Ngayon naiintidihan ko na kung bakit wala makapagturo sa akin ng systema na yan. Dahil sa sobra laki ng time frame baka wala na man lang mag-aabala tumingin at kung meron man wala man lang nag-aabala nagturo ng libre dahil ito ang tinatawag na 'LETS LOOK AT THE BIGGER PICTURE"! Maari ito ay ginagamit ng institution sa pagtingin, at hindi karamihan ang nakaka-alam nito!
COMMERCIAL MUNA:
Pakishare ito sa mga community of traders na lam nyo para makatulong tayo!
Follow our updates! Thank You!
Please help us share our page and join our group, Lets build our community of highly technical trader!
Feel free to post your technical or fundamental analysis on your particular stock picks in PSE!
GROUP- https://www.facebook.com/groups/229344291199049/
BLOG SERYE- https://www.facebook.com/financialmarket999/
Pero sa tinagal na nagtetrade nila boss, di rin nila nasabi sa akin ang ganito dahil sila ay trader, at di sila long term investor at ganun din ako! Naisipan ko lang na tignan at aksidente na nakita ko ang mga patterns na ito. Ang panginoon natin sa taas ay patuloy nagbibigay ng sagot sa mga taong naghahanap na may magandang layunin!
Ngayon kung kayo ay isang trader at lagi kayo nagtatanong tataas pa ba? at itong mga kataga na ito ang sumasaliw sa bibig nyo."Nakabili kasi ako sa taas", "Di ko alam saan ba ito pupunta", ngayon ganito ang gawin nyo!
Kailangan ang isang stock na pipiliin nyo ay above the three mountain, ano nga pa ang three mountain? Ito ay ang mabibigat na time frame ng isang stock sa chart! MONTHLY, WEEKLY, DAILY! So papaano ang above dyan? Gamitin natin ang 100MA ni boss bilang boarder line kung ito bang stock na ito ay magkakaroon ng malalaking hakbang!
ABOVE 3MOUNTAINS:
Monthly-above 100MA
Weekly-above 100MA
Daily-above 100MA
Kung ang kundisyon na ito ay satisfied na at syncronized na nangyayari sa isang stock, at kasalukuyan na malikot na ang presyo,mapapansin nyo na sobra lalaki ng hakbang at masarap tumaya kasi nga sa ganito klase kundisyon! Ito ay iwas fake-out at iwas iwan!
PERSPECTIVE:
Trader-bili mababa benta konti taas
Investor-Bili sa umpisa ng trend then benta kung may sell signan na.
Kung kayo ay trader at magkaparehas tayo ng profile at gusto natin makuha ang move ng stock pero di pa natin alam masyado ang galawan wag na kayo kumuha ng mga stock na hindi satisfied ang rule na ito! Para din basta basta bumabagsak ang mga hawak nyo. Mababawasan na ang cutloss at whip ninyo!
Sa dami ng chart ko na nacheck pag ang isang stock ay di satisfied ang kundisyon na ito, may movement sya "OO", kaso ang bias mo na asahan mo tumuloy eh maliit lang unless na ito ay dadalhin ng isang sobra laking balita, na kahit katulong ng kungsino eh mahahype nyo. Pansinin nyo ang telco serye bago mag-umpisa ang mga rally nila at satisfied lahat yan.
Dahil mas nagiging mas magaan ang isang stock kung lahat yan ay satisfied sa kadahilanang iisa na ang sintemiento ng lahat ng klase ng namimili, ito man ay trader or investor at institusyon! Ito ay aking opinyon lang, wala pa rin ito kasiguraduhan! Pero ito ang naiisip ko kasi we are looking at a big picture now at a different perspective kumbaga! Pero magbackcheck po tayo para makasigurado po kayo sa sarili nyo!
Ako po ay baguhan pa lang din na nag-aaral pa lang din sa merkado kung paano sya gumagalaw sa pamamagitan ng chart, alam ko po na importante ang balita or fundamental analysis para sa stock market pero di ko po kayang magbasa ng maraming artikulo para sa isang kumpanya na bibilhin ko. Nahihirapan po ako sa mga letra, pero po sa numero maaasahan nyo ako.
Kaagapay ng topic na ito ay ang susunod ko isusulat na para sa mga momentum trader na kagaya ng buong team namin na may pamagat na "GAPANG MARINO,GULATAN TAYO!" Dito pumapasok ang tamang pagsakay at kung sino sasakyan mo para sa mga momentum trades!
Ako ay umaasa na may maitulong sa inyo ang sinulat ko na ito! Please join our group for more technical analysis, lets build a highly technical trader community through our group, page, and blogsite!
NAGMAMAHAL DAKILANG TAMBAY NG STOCK MARKET!
PRIMO ECLIEUS
COMMERCIAL MUNA:
Pakishare ito sa mga community of traders na lam nyo para makatulong tayo!
Follow our updates! Thank You!
Please help us share our page and join our group, Lets build our community of highly technical trader!
Feel free to post your technical or fundamental analysis on your particular stock picks in PSE!
GROUP- https://www.facebook.com/groups/229344291199049/
BLOG SERYE- https://www.facebook.com/financialmarket999/
No comments:
Post a Comment