Primo: Boss bakit naman 100MA ang nagustuhan mo eh pwd naman na 200MA, 500MA, 1000MA, o kaya naman ung mas mababa 80MA, 30MA o kaya 1MA??? (hihihi)
BOSS:
UNA: Ang 100MA para sa akin yan ang sweet spot, pero yan eh naglalaro sa tipo 90-120MA bago lumipad ang isang stock dyan ka bobodega. Pero kung malaki posisyon mo gawin mo 90MA para may panahon ka. Yun eh sa experience ko at sa analysis ko, kaya ginawako sya isa sa guidelines ko.
PANGALAWA: Once na nakaupo or malapit na sa 100MA ang price average ng presyo ng stock, pansinin mo din nagiging sobra likot na ng presyo ng stock.
PANGATLO: Ikaw ba naman na ang presyo mo halimbawa price mo minimum, bigla ka nagkaincrease, tapos trumabaho ka ulit, nagkaincrease ka ulit, trabaho ulit increase ulit. Kung ikaw tatanungin ko Gusto mo ba bumaba ang sahod mo? Hindi di ba? ganun din un sa stock, kasi kung galing ka down lalampasan mo una MA, lalampasan mo ulit sunod, lalampasan mo ulit ung pangatlo, syempre napapansin na yan ng mga iba trader at mga insti. Kung galing ng down yan nakikita na nila, "Aba nagrereverse na ito kasi binutas na 30MA, Butas na rin 70MA, ngayon 100MA na." so ayun.
PANGAPAT: Kung ikaw ang nasa posisyon ng istak na un, gustohin mo man ang presyo mo eh ibaba di mo na basta makayanan marami na namimili. Ganun din sa trabaho pataas pataas sweldo mo parami parami obligasyon mo. Kung gusto mo rin mawala obligasyon eh di magpademote ka! hahahah
PANGLIMA: Bakit ayaw natin at di pwd tayo trade ng below 100MA: Kabaliktaran, aba nabutas na ang 30MA, pati 70MA ngayon butas na rin 100MA so pansin na rin nila yan so bentahan na!
PANGANIM: Once na ang presyo mo above 100MA na at lamang na ang namimili wala na pupuntahan yan kundi pataas.
BOSS: Sana wag na maulit ang pagtatanong mo 100MA, paulit ulit ka!
Primo: Kaya pala ayaw na ayaw mo sa below 100MA at pinagtatawanan nyo ako ni BIG BOSS!
BOSS: OO
Primo: Eh di ibig sabihin pala pag nakaupo sa 100MA mga ilan araw pa bago lipad?
BOSS: wala definite na araw, syempre natural kasi di naman agad yan makita eh, and pag nakita yan di naman kaya agad ng isang trader na paliparin yan.
Primo: So kelan ko malaman kung lilipad na tlga??
BOSS: Sa experience ko naman, ang ginagawa ko dyan pumupunta ako 100Hr MA, then if nagkaroon na ng progress duon, saka pa lang ako nasakay, kasi nasa watchlist na rin yan ng iba trader, so kung nagpoprogress na sa hourly ko eh ayun na!
Primo: Bos bakit ganun? nasa ibabaw na 100hr MA?
BOSS: kasi mas mabilis ung Hourly MA kumpara sa Daily, so dyan pagnagumpisa na gumapang paangat tumaya ka na.
Primo:OOOOOOWWWWWHHHHH
Di ko maintindihan kung sino sa kanila main play at ang symphaty play, Abangan na lang natin!
Follow our updates! Thank You!
Napaisip si primo saglit at nagtanong pa ng isa!
Primo: Boss ano pa meron ke 100MA?
BOSS: Nabigyan na nga kita 6 na maganda dahilan ke 100MA, aba eh magaral ka naman, abuso ka na!
BIG BOSS: Wahahahahah yari ka!
Please help us share our page and join our group, Lets build our community of highly technical trader!
Feel free to post your technical or fundamental analysis on your particular stock picks in PSE!
GROUP- https://www.facebook.com/groups/229344291199049/
BLOG SERYE- https://www.facebook.com/financialmarket999/
Malaking tulong ito to improve your trading.God bless Boss at Primo
ReplyDelete