Thursday, September 6, 2018
STORYA NG NUMERO
Ngayon lang, nakapanood ako ng isang pelikula na translated sa tagalog na "BAD GENIUS", at naalala ko ang kabataan ko! Nung ako ay nasa HIGH SCHOOL pa lang. Noon kasi ginagamit ko ang talent ko sa numero, analysis, at academic sa di maganda paraan na tingin ng iba!
Bakit? Yan ba ang tanong mo?
Ganito kasi yan, simula pa sa elementarya, ayaw ko may nakikita na nahihirapan na kaklase ko, ayaw ko na may nakikita na bumabagsak na kaibigan ko, at lalo ayaw ko may nakikita na kinakawawa na kapamilya ko! Simula elementarya kinakitaan na ako ng maliit na aking talino sa matematica, numero, at pag-aanalisa ng ano mang problema.
Noong ako ay tumuntong ng mataas na paaralan ng aming bayan,ako ay nag-aral na sa paaralan na pampubliko dahil mahirap lang ang aming bayan at wala kaming pampa-aral sa mahal n paaralan kagaya ng iba. Pagdating ko ng pangalawang taon, dito nakakita ako ng butas sa systema ng pag-gawa ng pagsusulit ng aming paaralan. Aksidente na nakita ko ang "STENCIL" ng pagsusulit ng buong paaralan sa basurahan. Sa kadahilanang ito ay ang aktwal na pgsusulit ng aming buong baitang ng taon, binasa ko ito ng unang beses at wala na ako ginawa. Kung hindi ako nagkakamali ito ay noong SEPT 1998! Tapos nagdaan ang "FIRST GRADING PERIODICAL EXAM" ayun na nga ang eksaktong pagsusulit na nabasa ko at walang sablay eksakto sya!
Dumating ang "SECOND GRADING PERIODICAL EXAM", alam nyo na syempre ang ginawa ko. Kinuha ko ulit ito at sinagutan lahat then ikinalat ko ito na walang kapalit na ano man! Nangyari ito ng ilang beses hangga sa huling taon sa mataas na paaralan namin. Sobra dami nagalit sa akin kabilang dito ang mga nangunguna sa klase at lahat ng mga guro namin! Pero ang natuwa naman sa akin eh higit na malaki ang bilang kumpara sa nagalit! At ito ay pinagsisihan ko ng husto matapos ko makatapos high school, dahil nagusap kami ng ama ko hinding hindi ko na gagawin ang mga di magandang gawain na iyon!
"Join our group and be rewarded!"
COMMERCIAL MUNA:
Pakishare ito sa mga community of traders na lam nyo para makatulong tayo!
Follow our updates! Thank You!
Please help us share our page and join our group, Lets build our community of highly technical trader!
Feel free to post your technical or fundamental analysis on your particular stock picks in PSE!
OFFICIAL BLOGSPOT:
https://tradesmanarsenalph.blogspot.com/
GROUP- https://www.facebook.com/groups/229344291199049/
BLOG SERYE- https://www.facebook.com/financialmarket999/
Hindi ko naman masasabi na ako ay walang angking talino dahil, ako ay nakatapos sa isang magandang eskwelahan sa kulehiyo sa larangan ng pagka-enhinyero at ito ay tinapos ko sa loob ng tatlo at kalahating taon(3.5yrs) lamang at ako ay nagbalik-aral para sa board exam sa loob lamang ng 3 (tatlo) buwan at awa ng dyos nakapasa naman ako duon ng unang pagsusulit na walang anomalya na ginagawa..hahaha
Nitong huling mga parte ng aking kasalukuyan na buhay ako ay dumanas ng ng malaking problema sa aking buhay at kinailangan ko na magpatingin sa isang dalubhasa para sa mga may problema na kagaya ko. Pagdating ko sa doktor ipinagawa sa akin lahat ng klase ng eksaminasyon at lahat ng pwede niyang malaman sa akin ay inalam niya at pati buong pagkatao ko ay hinalukay na niya. At sinabi niya sa akin "Sir PRIMO, kayo po ay may espesyal na kundisyon na medyo mahina kayo sa mga letra, pero higit na mas malakas kayo sa numero sa normal tao, Kayo po ay nahihirapan na umalis sa isang gawain o kaya ay bumitaw sa isang trabaho na nasimulan nyo na hindi pa nyo naabot ang gusto nyo na resulta!
Ngayon, ako ay nasa larangan na ng numero which isa "FINANCIAL MARKET" na kinabibilangan nating lahat, tingin ko po naman ay hindi masama na mamigay ako ng ano man aking nakita sa laro ng mga pattern, charts, linya, shades, at takbo ng lahat ng numero. Ayaw ko na kasi maulit na if mamigay ako ng impormasyon na eksakto ay may magagalit sa akin kasi tama naman ang ibinigay ko. Sa ganito larangan ay totoo walang kasiguraduhan pero sa nakikita ko sya ay pwede natin sakyan sa mahinusay na paraan na wala stress sa bawat isa.
Ako po ay nagtetrade sa loob ng siyam (9) na buwan at maikunsidera natin na baguhan, pero itong larangan na ito sa nakikita ko at nararanasan ko na ngayon ay tlgang bumabago ng buhay ng tao sa pamamagitan ng pera na pwede natin ipanalo at ipatalo. Ang mga numero na nagbibigay ng senyales para sa bawat isa sa atin ay talagang nangungusap. Sobrang tuwa ako sa lahat ng nakikita ko sa bawat araw na ginagawa ko ang ko sa trading!
Ang numero para sa akin ay ang kanin ng aking buhay at kasama na ang ulam, dalawang klase ito para maging balanse ang buhay mo, may masama at may mabuti, sa trading may UP/DOWN. Kung ang pagtetrade para sa inyo ay mahirap at parang malabo, maari nga malabo, kasi sa buhay ko ang bawat letra ay sobra labo pero ang bawat numero ay parang dugo na nananalaytay sa aking mga ugat!
Marami tanong, bakit ganito bakit ganyan, kailangan kung naglalaro tayo sa numero kunin nyo ang pinaka eksakto numero kung saan ka kumportable pumasok at lumabas. Kung trading ang laro mo, para sa akin alamin mo lang ang eksakto mo spot para maging maayos ka at plano mo para maisakatuparan mo ito at tapos ang problema mo.
Di natin kailangan maging magaling na sobra, di natin kailangan tutukan, di rin natin kelangan magpakamatay para makita mo lahat, ang sa akin lang pasimplehin natin hanapin mo eksakto spot mo na may eksakto na value para mas madali mo ma-granate ang laro mo sa trading plan mo!
Pagisipan mo baka maging ayos ka rin!
"Join our group and be rewarded!"
COMMERCIAL MUNA:
Pakishare ito sa mga community of traders na lam nyo para makatulong tayo!
Follow our updates! Thank You!
Please help us share our page and join our group, Lets build our community of highly technical trader!
Feel free to post your technical or fundamental analysis on your particular stock picks in PSE!
OFFICIAL BLOGSPOT:
https://tradesmanarsenalph.blogspot.com/
GROUP- https://www.facebook.com/groups/229344291199049/
BLOG SERYE- https://www.facebook.com/financialmarket999/
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment