Wednesday, August 8, 2018

MACD Crack Down!


Primo: Boss MACD naman po!
BOSS: Anong MACD naman po?


Primo: MACD naman po, pakiexplain po sa akin bakit po pinili po sya guidelines sa stock picks mo po!

BOSS: Sinasabi ko na nga ba lahat ipapaexplain mo na naman sa akin yan kasi nga nawala ung notebook mo di ba?

Primo: Opo, sige na boss! Etong notebook ko na susulatan ngayon ipapa-frame ko na po para di ko na mawala at isasabit ko sa pader! hihihih

BOSS:
Una: Gusto ko sya positve kasi if nagtatravel ang MACD sa positive area, mas malalaki ang move nya compared to negative area kung ibabangga mo sya sa price action.




Pangalawa: Ung crossing nyan ang aabangan mo lalo na at nasa positive area sya magperform ng ganun.

Pangatlo: Ang MACD ang main ginagamit ko na tinginan kung aangat na ang stock specially kalmado sya, ung slight na movement nya basta above ZERO medyo mapapaangat pwet mo kung marunong ka.

Pangapat: Leading Indicator yan, Meaning makikita mo kung saan pupunta ang partikular na stock na pinili mo. At isa pa kailangan natin yan, Kasi lagging indicator na nga ang gamit natin which is 100MA tapos gagamit ka na naman ng isa pa lagging indicator, eh mahuhuli na tayo nyan sa pagpili!

Panglima: Inilagay ko yan dyan sa set-up na yan para makumpleto ang indicator natin, may leading para sa entry at exit, may lagging para sa trend indication, may confirming indicator DMI (yan ang silbi sa setup ko), at strength indicator which is RSI.

Panganim: Kailangan kung babasahin mo yang chart na yan lahat umaayon sa silbi na hinahanap mo sa kanila. COMBO reading kumbaga.

Primo: Di ka ba sir nalilito kasi dami dami natin binabasa! Di ba natin pwd simplehan?


BOSS: Kanya kanya lang yan, may iba naked trading, may iba mas marami dyan. Nagkataon, dyan ako kumportable so dyan na ako. And mas nasisimplehan na ako dyan kasi multiple confirmation. Di ko na kelangan memorize patterns, kasi may exact value na ako binigay sa u. Pag sinabi ko 24 so 24 un, pagsinabi ko 100 so 100 un. ano pa gusto mo? Simple na nga yan eh, para sa akin. Kung nahihirapan ka pa dyan, di sa u bagay stockmarket!

Primo: Kaw naman boss sungit na naman!

BOSS: Halimbawa sinabi ko sa u basta may pinto eh pumasok ka! syempre dami pinto dyan malilito ka saan ka papasok!


Ngayon sinabi ko sayo, "pag nakakita ka ng pinto na kahoy, kulay pula, may nakabantay na gwardya, ung gwardi kutsilyo dala, at may katabi sya aso, saka ka pumasok!"

So ngayon tatanungin kita saan mas madali pumasok dun sa may specs na pinto na papasukan or dun sa sinabi ko na "PAG NAKAKITA KA NG PINTO PASOK KA!"

Nagulantang si Primo, wala sya naimik, magisip sya malalim!

Primo: Boss sige tandaan ko yang sinasabi mo specs!

Follow our updates! Thank You!

Please help us share our page and join our group, Lets build our community of highly technical trader!

Feel free to post your technical or fundamental analysis on your particular stock picks in PSE!

https://www.facebook.com/groups/229344291199049/
https://www.facebook.com/financialmarket999/


No comments:

Post a Comment