Wednesday, August 22, 2018

Tale of three Mountains

Magandang Umaga/Gabi sa inyo ka Tradesman.


Sa pag oobserba ko sa lahat ng mga lumilipad na stock nakikita ko ang mga lumilipad, nakikita ko rin ang mga bumabagsak! Bakit nga ba ganito ang nagiging trend ng mga stocks???


Isang gabi noong ako ay nagsususnog pa!
(Sometime in APRIL-MAY 2018)

Nagtanong ako sa sarili ko! Napaisip ako ano nga ba nagiging basehan ng mga tao at ng market sentiments para sa mga stocks! Bakit pag ito ay nagumpisang lumipad, Sya ay lumilipad, Bakit sya ay pag nag-umpisa bumagsak talagang ito ay bumabagsak.

Sa kadahilanan na gusto ko makakuha ng matinong sagot para sa sarili ko, binuklat ko na lahat ang pwede ko buklatin, Nagtanong na ako kay "TROPANG GOOGLE" ng lahat na pwede ko tanungin, pati si "KUYA YOUTUBE" nakukulitan na sa akin. lahat ng klase ng indicator pinag-aralan ko na at wala pa rin makasagot sa akin. Sa kadahilanang gusto ko nga mabago ang istilo ng trading ko, at ayaw ko na lagi ako kinakabahan patuloy akong nagpipilit matuto, para sa karagdagan ng itinuturo sa akin ni BOSS at ni BIG BOSS!

Dahil nga di pa sapat ang aking kaalaman patuloy ako nagtututo para sa sarili ko, sa pamilya ko, at ganun din para sa inyo! Ngayon naiintidihan ko na kung bakit wala makapagturo sa akin ng systema na yan. Dahil sa sobra laki ng time frame baka wala na man lang mag-aabala tumingin at kung meron man wala man lang nag-aabala nagturo ng libre dahil ito ang tinatawag na 'LETS LOOK AT THE BIGGER PICTURE"! Maari ito ay ginagamit ng institution sa pagtingin, at hindi karamihan ang nakaka-alam nito!










COMMERCIAL MUNA:
Pakishare ito sa mga community of traders na lam nyo para makatulong tayo!
Follow our updates! Thank You!

Please help us share our page and join our group, Lets build our community of highly technical trader!

Feel free to post your technical or fundamental analysis on your particular stock picks in PSE!

GROUP- https://www.facebook.com/groups/229344291199049/
BLOG SERYE- https://www.facebook.com/financialmarket999/

Pero sa tinagal na nagtetrade nila boss, di rin nila nasabi sa akin ang ganito dahil sila ay trader, at di sila long term investor at ganun din ako! Naisipan ko lang na tignan at aksidente na nakita ko ang mga patterns na ito. Ang panginoon natin sa taas ay patuloy nagbibigay ng sagot sa mga taong naghahanap na may magandang layunin!

Ngayon kung kayo ay isang trader at lagi kayo nagtatanong tataas pa ba? at itong mga kataga na ito ang sumasaliw sa bibig nyo."Nakabili kasi ako sa taas", "Di ko alam saan ba ito pupunta", ngayon ganito ang gawin nyo!

Kailangan ang isang stock na pipiliin nyo ay above the three mountain, ano nga pa ang three mountain? Ito ay ang mabibigat na time frame ng isang stock sa chart! MONTHLY, WEEKLY, DAILY! So papaano ang above dyan? Gamitin natin ang 100MA ni boss bilang boarder line kung ito bang stock na ito ay magkakaroon ng malalaking hakbang!

ABOVE 3MOUNTAINS:
Monthly-above 100MA
Weekly-above 100MA
Daily-above 100MA

Kung ang kundisyon na ito ay satisfied na at syncronized na nangyayari sa isang stock, at kasalukuyan na malikot na ang presyo,mapapansin nyo na sobra lalaki ng hakbang at masarap tumaya kasi nga sa ganito klase kundisyon! Ito ay iwas fake-out at iwas iwan!

PERSPECTIVE:
Trader-bili mababa benta konti taas
Investor-Bili sa umpisa ng trend then benta kung may sell signan na.

Kung kayo ay trader at magkaparehas tayo ng profile at gusto natin makuha ang move ng stock pero di pa natin alam masyado ang galawan wag na kayo kumuha ng mga stock na hindi satisfied ang rule na ito! Para din basta basta bumabagsak ang mga hawak nyo. Mababawasan na ang cutloss at whip ninyo!

Sa dami ng chart ko na nacheck pag ang isang stock ay di satisfied ang kundisyon na ito, may movement sya "OO", kaso ang bias mo na asahan mo tumuloy eh maliit lang unless na ito ay dadalhin ng isang sobra laking balita, na kahit katulong ng kungsino eh mahahype nyo. Pansinin nyo ang telco serye bago mag-umpisa ang mga rally nila at satisfied lahat yan.

Dahil mas nagiging mas magaan ang isang stock kung lahat yan ay satisfied sa kadahilanang iisa na ang sintemiento ng lahat ng klase ng namimili, ito man ay trader or investor at institusyon! Ito ay aking opinyon lang, wala pa rin ito kasiguraduhan! Pero ito ang naiisip ko kasi we are looking at a big picture now at a different perspective kumbaga! Pero magbackcheck po tayo para makasigurado po kayo sa sarili nyo!

Ako po ay baguhan pa lang din na nag-aaral pa lang din sa merkado kung paano sya gumagalaw sa pamamagitan ng chart, alam ko po na importante ang balita or fundamental analysis para sa stock market pero di ko po kayang magbasa ng maraming artikulo para sa isang kumpanya na bibilhin ko. Nahihirapan po ako sa mga letra, pero po sa numero maaasahan nyo ako.

Kaagapay ng topic na ito ay ang susunod ko isusulat na para sa mga momentum trader na kagaya ng buong team namin na may pamagat na "GAPANG MARINO,GULATAN TAYO!" Dito pumapasok ang tamang pagsakay at kung sino sasakyan mo para sa mga momentum trades!

Ako ay umaasa na may maitulong sa inyo ang sinulat ko na ito! Please join our group for more technical analysis, lets build a highly technical trader community through our group, page, and blogsite!

NAGMAMAHAL DAKILANG TAMBAY NG STOCK MARKET!
PRIMO ECLIEUS

COMMERCIAL MUNA:
Pakishare ito sa mga community of traders na lam nyo para makatulong tayo!
Follow our updates! Thank You!

Please help us share our page and join our group, Lets build our community of highly technical trader!

Feel free to post your technical or fundamental analysis on your particular stock picks in PSE!

GROUP- https://www.facebook.com/groups/229344291199049/
BLOG SERYE- https://www.facebook.com/financialmarket999/

Wednesday, August 8, 2018

100MA Crack Down


Primo: Boss bakit naman 100MA ang nagustuhan mo eh pwd naman na 200MA, 500MA, 1000MA, o kaya naman ung mas mababa 80MA, 30MA o kaya 1MA??? (hihihi)

BOSS: 
UNA: Ang 100MA para sa akin yan ang sweet spot, pero yan eh naglalaro sa tipo 90-120MA bago lumipad ang isang stock dyan ka bobodega. Pero kung malaki posisyon mo gawin mo 90MA para may panahon ka. Yun eh sa experience ko at sa analysis ko, kaya ginawako sya isa sa guidelines ko.

PANGALAWA: Once na nakaupo or malapit na sa 100MA ang price average ng presyo ng stock, pansinin mo din nagiging sobra likot na ng presyo ng stock.

PANGATLO: Ikaw ba naman na ang presyo mo halimbawa price mo minimum, bigla ka nagkaincrease, tapos trumabaho ka ulit, nagkaincrease ka ulit, trabaho ulit increase ulit. Kung ikaw tatanungin ko Gusto mo ba bumaba ang sahod mo? Hindi di ba? ganun din un sa stock, kasi kung galing ka down lalampasan mo una MA, lalampasan mo ulit sunod, lalampasan mo ulit ung pangatlo, syempre napapansin na yan ng mga iba trader at mga insti. Kung galing ng down yan nakikita na nila, "Aba nagrereverse na ito kasi binutas na 30MA, Butas na rin 70MA, ngayon 100MA na." so ayun.

PANGAPAT: Kung ikaw ang nasa posisyon ng istak na un, gustohin mo man ang presyo mo eh ibaba di mo na basta makayanan marami na namimili. Ganun din sa trabaho pataas pataas sweldo mo parami parami obligasyon mo. Kung gusto mo rin mawala obligasyon eh di magpademote ka! hahahah

PANGLIMA: Bakit ayaw natin at di pwd tayo trade ng below 100MA: Kabaliktaran, aba nabutas na ang 30MA, pati 70MA ngayon butas na rin 100MA so pansin na rin nila yan so bentahan na!

PANGANIM: Once na ang presyo mo above 100MA na at lamang na ang namimili wala na pupuntahan yan kundi pataas.

BOSS: Sana wag na maulit ang pagtatanong mo 100MA, paulit ulit ka!

Primo: Kaya pala ayaw na ayaw mo sa below 100MA at pinagtatawanan nyo ako ni BIG BOSS!

BOSS: OO

Primo: Eh di ibig sabihin pala pag nakaupo sa 100MA mga ilan araw pa bago lipad?

BOSS: wala definite na araw, syempre natural kasi di naman agad yan makita eh, and pag nakita yan di naman kaya agad ng isang trader na paliparin yan.

Primo: So kelan ko malaman kung lilipad na tlga??

BOSS: Sa experience ko naman, ang ginagawa ko dyan pumupunta ako 100Hr MA, then if nagkaroon na ng progress duon, saka pa lang ako nasakay, kasi nasa watchlist na rin yan ng iba trader, so kung nagpoprogress na sa hourly ko eh ayun na!

Primo: Bos bakit ganun? nasa ibabaw na 100hr MA?

BOSS: kasi mas mabilis ung Hourly MA kumpara sa Daily, so dyan pagnagumpisa na gumapang paangat tumaya ka na.

Primo:OOOOOOWWWWWHHHHH







Di ko maintindihan kung sino sa kanila main play at ang symphaty play, Abangan na lang natin!


Follow our updates! Thank You!



Napaisip si primo saglit at nagtanong pa ng isa!

Primo: Boss ano pa meron ke 100MA?

BOSS: Nabigyan na nga kita 6 na maganda dahilan ke 100MA, aba eh magaral ka naman, abuso ka na!


BIG BOSS: Wahahahahah yari ka!

Please help us share our page and join our group, Lets build our community of highly technical trader!

Feel free to post your technical or fundamental analysis on your particular stock picks in PSE!







GROUP- https://www.facebook.com/groups/229344291199049/
BLOG SERYE- https://www.facebook.com/financialmarket999/

MACD Crack Down!


Primo: Boss MACD naman po!
BOSS: Anong MACD naman po?


Primo: MACD naman po, pakiexplain po sa akin bakit po pinili po sya guidelines sa stock picks mo po!

BOSS: Sinasabi ko na nga ba lahat ipapaexplain mo na naman sa akin yan kasi nga nawala ung notebook mo di ba?

Primo: Opo, sige na boss! Etong notebook ko na susulatan ngayon ipapa-frame ko na po para di ko na mawala at isasabit ko sa pader! hihihih

BOSS:
Una: Gusto ko sya positve kasi if nagtatravel ang MACD sa positive area, mas malalaki ang move nya compared to negative area kung ibabangga mo sya sa price action.




Pangalawa: Ung crossing nyan ang aabangan mo lalo na at nasa positive area sya magperform ng ganun.

Pangatlo: Ang MACD ang main ginagamit ko na tinginan kung aangat na ang stock specially kalmado sya, ung slight na movement nya basta above ZERO medyo mapapaangat pwet mo kung marunong ka.

Pangapat: Leading Indicator yan, Meaning makikita mo kung saan pupunta ang partikular na stock na pinili mo. At isa pa kailangan natin yan, Kasi lagging indicator na nga ang gamit natin which is 100MA tapos gagamit ka na naman ng isa pa lagging indicator, eh mahuhuli na tayo nyan sa pagpili!

Panglima: Inilagay ko yan dyan sa set-up na yan para makumpleto ang indicator natin, may leading para sa entry at exit, may lagging para sa trend indication, may confirming indicator DMI (yan ang silbi sa setup ko), at strength indicator which is RSI.

Panganim: Kailangan kung babasahin mo yang chart na yan lahat umaayon sa silbi na hinahanap mo sa kanila. COMBO reading kumbaga.

Primo: Di ka ba sir nalilito kasi dami dami natin binabasa! Di ba natin pwd simplehan?


BOSS: Kanya kanya lang yan, may iba naked trading, may iba mas marami dyan. Nagkataon, dyan ako kumportable so dyan na ako. And mas nasisimplehan na ako dyan kasi multiple confirmation. Di ko na kelangan memorize patterns, kasi may exact value na ako binigay sa u. Pag sinabi ko 24 so 24 un, pagsinabi ko 100 so 100 un. ano pa gusto mo? Simple na nga yan eh, para sa akin. Kung nahihirapan ka pa dyan, di sa u bagay stockmarket!

Primo: Kaw naman boss sungit na naman!

BOSS: Halimbawa sinabi ko sa u basta may pinto eh pumasok ka! syempre dami pinto dyan malilito ka saan ka papasok!


Ngayon sinabi ko sayo, "pag nakakita ka ng pinto na kahoy, kulay pula, may nakabantay na gwardya, ung gwardi kutsilyo dala, at may katabi sya aso, saka ka pumasok!"

So ngayon tatanungin kita saan mas madali pumasok dun sa may specs na pinto na papasukan or dun sa sinabi ko na "PAG NAKAKITA KA NG PINTO PASOK KA!"

Nagulantang si Primo, wala sya naimik, magisip sya malalim!

Primo: Boss sige tandaan ko yang sinasabi mo specs!

Follow our updates! Thank You!

Please help us share our page and join our group, Lets build our community of highly technical trader!

Feel free to post your technical or fundamental analysis on your particular stock picks in PSE!

https://www.facebook.com/groups/229344291199049/
https://www.facebook.com/financialmarket999/


Monday, August 6, 2018

Sir ano po ung DMI?




DMI Crack Down:
Primo: Sir paano naman DMI?

BOSS: di ba sinabi ko na yan sa yo kahapon, tapos tatanungin mo na naman? Ano ba? Di ka man lang ba nagnonotes pag lecture tayo?

Primo: Nagnonotes po kaso,kaso nawala po notebook ko pinaglagyan! (Di nya alam nawala lang sa isip ko! hihihi)

BOSS: Hhhaaaayyysssssttt! Cge na nga!

Primo: So bakit mo bakit mo nga po ba naging guidelines ang DMI 24?

BOSS:
Una: Ang DMI represents 3 importante aspeto tungkol sa isang stock. Yan ang 3-in-1 sa mundo ng stock market hahahahah.


Pangalawa: Ito ay confirmation ng iba pa indicators, para malaman mo ang kundistion nito!



Pangatlo: Ang DMI pag-nasunod lahat ng condition, maari mo masabi kung safe ba ang isang stock or hindi!




Pangapat: Ang kadalasan lang nakakalito sa DMI eh kung di mo alam ang ibigsabihin nung tatlo linya! Mabilis ka makapagdesisyon kung makita mo ito!



Panglima: Masasabi mo na lilipad na ang stock or may mangyayari movement dyan depende sa pagkakaayos ng mga linya.

Panganim: Kung sino ang naghahari sa nagbebenta at namimili ng particular na stock, at kung sino ang i-kumpirma ng ADX alam mo na saan maging direksyon nito, kung pababa ba or palipad na ang stock.


Pangpito:Once na tumapak ang adx sa 24 medyo maghanda ka na lalo na at nasa ibabaw ang blue vs. red. Masyado pa ito maaga kaso yan ang sweet spot para sa akin na makapaghanda ng aking posisyon. Sa iba trader ang gusto nila 30-40 depende sa profile ng isang trader.



Pangwalo: Huwag na huwag ka pipili stocks na nasa ilalim ang blue kahit na 24 ang value ng black, kasi magsisimula na ang bentahan ng ganun klase setup. Basta kelangan blue ibabaw vs red then ang reading ng black is at least 24!



Primo: Sure ba sir yang ganyan analysis mo?

BOSS: Ay lumayas ka sa harap ko, baka masapatos ko ang mukha mo!

Primo: Boss nagtatanong lang naman, hihihi

BOSS: Hindi ka nagtatanong nambubuwisit ka!

Primo: Cge po bukas ulit Boss! (Aalis na muna ako medyo na-highblood!Hihihihi)


Follow our updates! Thank You!

Please help us share our page and join our group, Lets build our community of highly technical trader!

http://bit.ly/lazSGJ8PH

Friday, August 3, 2018

Bounce Play! $IRC

Bounce Play! $IRC

Hi Traders,

Magandang Umaga sa inyo at Happy weekend!


Nakapag post narin ulit ako sa wakas, eto pong play na to ay sa $IRC na pwede nyo magamit na sample sa pag Bounce Play, hope you will find something and learn from it.


BTW, dito galing ung post ko na to and will share san ako nag entry at exit:

https://www.facebook.com/primo.eclieus.1/posts/235308680627351


Sa mga nagtatanong kung paano kami tumingin ng ng stock at pumili eto sample ha. Kung mali ang hula namin cutloss namin 1.38. 5-7% lang habol ko dito! Check natin hanggang saan aabutin nya sa mga sunod na araw kung babagsak ba sya kasi mali hula namin or aangat ba sya at pitik daliri na lang ang magagawa ko kasi naka-GTC ako at di ko na sya pwede habulin kasi bawal FOMO!

Paalala ko lang sa inyo ha, baka may symphaty play, kasi may kapatid tong si IRC which isa si MHC. Di ko maintindihan kung sino sa kanila main play at ang symphaty play, Abangan na lang natin!

Follow our updates! Thank You!









Bought at 1.42...


Trade Confirmation from COL (Bili) Biyernes...




Dumaan ang Sabado at Linggo...




Eto naman ung (Benta)...LUNES




Maliit lang na profit ko dito, pero kung inulit nyo ulit etong play na to nung August 1 at nag benta kayo nung August 2 or kanina Aug 3, pwede ulit kayo kumita using the same Play. Sarap nun, pero hindi ko naulit un...hehehe


Salamat po ulit at Sana ay meron kayo napulot na aral sa aking post.

Please help us share our page and join our group, Lets build our community of highly technical trader!


Feel free to post your technical or fundamental analysis on your particular stock picks in PSE!


GROUP- https://www.facebook.com/groups/229344291199049/